I posted a reply but it's too late, pagclick ko ng submit I got this message:
Ayoko lang masayang ang mga gusto kong sabihin so here we go. This is in response sa latest posts ni AP and Mon:
@ AP
Yun lang? Di naman ako pikon at di ko dinadaan sa pag-absent sa forum or di pagpopost pag galit or tampo...
Kapag nang-aasar ka, keri lang. Kasi alaskador din ako dito eh. IRL and everywhere. If ever nagreact ako noon na mukhang nag-emo at tampo (sorry, di ko maalala) isipin nyo na lang na girl thing. Never ko nihate yung NG boards, mga threads at lalo na ung SSC.
Boils out na misunderstanding lang. For me ha. Baka mamaya assuming na pala ako. Basta AP hindi kita sineseryoso pati mga hirit mo kasi nakilala na kita na ganyan ka. Nasanay na 'ko sa way of posting mo and I have nothing against it. Nothing against you.
Inieenjoy ko lang yung pagiging member ko dito. Kulitan, asaran, banatan. Pero hindi porke bigla nagsignout or nawala ng matagal eh may something na.
At dahil jan, gusto kong sabihing "peace, guys." Sa lahat, kasi makakalimutin din ako unless ako mismo yung nagdocument ng nangyari. Gusto ko lang itake yung opportunity na to na mag-sorry sa mga taong nasaktan ko, nainis, naasar, at higit sa lahat, na-spam.
I'm loving this thread even more...
@ Mon
I know where you're coming from po at pati rin naman si AP may point sya na biglang mainis sa biglang pagka-spam ng thread to the point na sarcastic sya at one-liner na lang yung post. Lam ko concerned din sya sa ganitong klaseng thread kasi marami rami na rin ang nalock before. We're part of those ones. And hindi sa lahat ng pagkakataon, ung mismo member or frequent poster ang dahilan. Nakakalungkot kasi bigla na lang malolock dahil sa ibang tao.
Please guys, understand na tayong lahat ay tao lamang at nadadala ng ating emosyon especially at times like this.
Huwag natin hayaan masira yung turingan natin sa isa't isa at impressions ng dahil lang sa nangyari. Come to think of it. Malayo layo na rin narating natin. Yung madalas sa forum mapapansin siguro na kahit pano may pinagsamahan na mga SSC, wag nating hayaan na ganito lang. For all I know, may mga lurkers din na sumusubaybay. Worst, inggit or what not na nasisiyahan sa kaguluhan ng iba. Other people may have fun watching us like this. Let's not give them the satisfaction of seeing how a certain group can fall down into pieces.
Somewhere out there, someone is waiting for this thread to be locked... What happened to the thread?!
LOCKED UNDER FURTHER NOTICE.
And dahil ayoko mapagalitan ng mod or ma-ban dito, I'm locking this one as well. Enough na yung maexpress ko sarili ko right now. Too late.

Few seconds difference...
